Posts

Showing posts from March, 2020

Bakit ako nagsusulat?

Image
          Alam natin lahat na ang pagsusulat ay isang mahalagang gawain dahil dito natin naipapahayag ang ating emosyon at ekspresyon. Dahil dito, nakakapag-bigay tayo ng impormasyon na naiaangkop para sa ating mambabasa. Dito sa pagsusulat, isinasaalang alang natin ang mga mambabasa dahil may sarili silang pananaw sa paksang ating ginagawa.         Ngunit, bakit nga ba ako nagsusulat? Bata pa lamang ako at bago pumasok sa elementarya, ito'y isang gawain na dapat unang matutunan ng isang batang katulad ko. Pagsusulat na nakatulong sa akin, hindi lamang sa akademiko at hindi para sa aking sarili, kundi para din sa iba. Pagsusulat na naging propesyon ng isang estudyante. Nagsusulat ako hindi lamang para maipahayag ko ang aking damdamin, kundi para ako'y matulungan na malinang at lumawak ang aking kaisipan sa bawat yugto ng aking buhay. Tuwing nakikita ko na maayos at maganda ang aking naisusulat na akademikong sulatin, napapangiti ako hin...