Bakit ako nagsusulat?

 
        Alam natin lahat na ang pagsusulat ay isang mahalagang gawain dahil dito natin naipapahayag ang ating emosyon at ekspresyon. Dahil dito, nakakapag-bigay tayo ng impormasyon na naiaangkop para sa ating mambabasa. Dito sa pagsusulat, isinasaalang alang natin ang mga mambabasa dahil may sarili silang pananaw sa paksang ating ginagawa.


        Ngunit, bakit nga ba ako nagsusulat? Bata pa lamang ako at bago pumasok sa elementarya, ito'y isang gawain na dapat unang matutunan ng isang batang katulad ko. Pagsusulat na nakatulong sa akin, hindi lamang sa akademiko at hindi para sa aking sarili, kundi para din sa iba. Pagsusulat na naging propesyon ng isang estudyante. Nagsusulat ako hindi lamang para maipahayag ko ang aking damdamin, kundi para ako'y matulungan na malinang at lumawak ang aking kaisipan sa bawat yugto ng aking buhay. Tuwing nakikita ko na maayos at maganda ang aking naisusulat na akademikong sulatin, napapangiti ako hindi lamang sa kadahilanang "masaya ako" subalit nakabuo ako ng isang sulatin na puno ng aking sariling ideya, ideya na pinroseso ko sa aking utak at pinag-isipang mabuti kung tama ba ito.

Pagsusulat na tinulungan ako sa larangan ng akademiya. Masaya ako sa mga nabubuo kong sulatin dahil malaya akong nakapagsusulat  ng aking mga naiimahe.  Dito nailalagay ko ang mga kaganapan sa aking buhay. Hindi ako nagsusulat dahil ito'y isang aktibidad lamang, nagsusulat ako dahil habang lumilipas ang panahon, ako'y mahuhubog at gagaling sa larangan na ito, larangan na magbibigay kulay sa mga importanteng pangyayare sa aking buhay.

Comments